Sunday, April 3, 2011

TEACH ME MASTER, :)


Ang sarap lang sa mata, makita yung sinulat mo.
Naisip ko lang naman, di pa din naman natin sigurado kaya ko binalik yung mga tanong.
Sa sandaling pagkakakilala, alam ko labas palang ang nakilala sakin.
Sa araw araw – nag-uusap, nagbibiruan, nagkukulitan, nag-aasaran, nagkukwentuhan.
Masaya ako, kasi ang dali lang.  Parang ang kampante ko na okey lang lahat sayo.
Di ko na iisipin na baka di mo magustuhan o baka ang ‘korni’ ng dating.

Ang dami kong nalaman, may mga natutunan.
Baka nga masabi ko na ang “teach me, master.” :
Mga bagay na baka di ako kampanteng pag usapan kapag iba ang kausap.
Nagiging normal na pag uusap at biruan kapag ikaw ang kausap.

Masaya ako, na kahit hindi pa talaga ito ang gusto mo, kulang pa ang hinihintay mo.
Andyan ka lang, nag aantay, sabihin ko sayo – yung alam mo na. :


Dati ko ng napagtanto, pero ang hirap pa din talagang gawin.  Ang hirap magtagalog!

Featured Travel Post

Backpacking for 6 Days!: Singapore-Kuala Lumpur-Indonesia

I always learn something new about myself each time I travel, either good or bad. Aside from the exciting feeling of being in a new pla...